Viewers

Friday, May 9, 2014

An Open Letter to Eunica


May 10, 2014
Pre-Mother’s Day Letter


Dear Mommy Eunica,

Happy Mother’s day!

Magluto. Magpaligo. Malinis ng bahay. Maglaba. Magayos nang damitan. Mamalangke. Magbayad ng bills. Magplantsa. Magwork sa odesk. Maglinis ng bottles ni Athena. Magtimpla ng gatas. Magayos ng kwarto. Intindihin si Titan at Athena.

Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay mo at ibibigay mo pa sa amin ni Baby. Tunay nga na ang pagmamahal ng isang ina ay hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay sa mundo.Ang isang ina na tulad mo ay isang biyaya na galing sa Diyos. Kaya nagpapasalamat ako dahil binigyan Niya ako ng isang asawa na makakasama ko habang buhay at isang mapagmahal na ina kay Athena.

Hinding hindi ko makakalimutan noong unang beses tayong naging magulang. Noong araw na ipinanganak mo si Athena. Labis akong nagalala sayo noon dahil yun yung unang beses na nakita kitang nakahiga sa hospital bed, walang malay, naka-dextrose at naka-catheter. Hindi kita matingnan nun dahil ayokong nakikita kitang nasasaktan o nahihirapan. Pero lumaban ang aking nararamdaman noong nakita ko si Athena na mahimbing na nakahiga sa neo-natal room. Nagpapasalamat ako sayo sa pagtitiis, sa pagdidisiplina, at pagtitiyaga sa pagaalala sa kanya nang siyam na buwan. Sabi ko nga sayo diba kung ako yung mabubuntis hindi ko kaya yung pinagdaanan mo. Alam ko mahirap yun kaya proud ako sayo. You’re such an excellent Mom to Athena.

Marami pa tayong pagdadaanan. At naniniwala ako na hindi ka lang isang beses magiging Mommy hehehe. Pero kung dadating yung oras na susuko ka na, sana kumapit ka sa pagmamahal at pagaaruga na ibinigay mo sa amin. Hindi man namin kayang pantayan lahat ng ibinibigay mo tandaan mo na Titan and Athena love you so much! You are such a wonderful gift from God to us.

Happy Mother’s Day Sha!  We Love you!


From:
            Titan and Athena


PS. Huwag masyadong magpaapekto sa “The Legal Wife” kasi pati ako nadadamay.

No comments:

Post a Comment