Viewers

Wednesday, November 16, 2011

Mga Napapanahong mga Issues...Get It!


Masyado ng maraming nangyari ngayong buong linggo na ito! As in napakarami! Mula sa pinakamaliit na issue hanggang sa pinaka-malaki! Bukod sa nakapaglinis na ako ng apartment ko at bukod sa "controversial" na pagkapanalo ni Pacquiao eto at sunod sunod ang pag-alis ng mga kilalang mga tao sa kanilang mga normal na buhay.

Uso ba talaga ang eskapo ngayon? bukod kay Geneva Cruz na panay arte sa Survivor dahil, ewan ko ba kung ano gusto niya sa buhay nya ANAK NG PASIG NAMAN OH!!!, at gusto ng umalis, eto namang si Gloria nakikiuso pa sa pag-alis. Umalis na nga si Ramona at hindi pa nga nakikita si Elisa ngayon naman ikaw naman Gloria! Ang gulo nyo! Alisan kayo ng alisan kaya tingnan nyo para maiba naman si Hillary Clinton siya naman tuloy pumunta dito.

Next issue, bakit ba nagkakaganito ang FACEBOOK? Lahat na lang ng mga status makikita mo nakalagay "Ano ba to facebook o pornbook?" meron pa "Hackers on facebook...blah blah blah" Pero bakit nga ba nagkakaroon ng mga nude pictures sa facebook? Ang pangit pa dun sabi ng sabi ng bastos bastos, basahin mo naman yung mga kinokomment dun sa mga pictures puro mura! Diba bastos din yun? Ha!!! mga P@#%&@*%#!!! Tsaka bakit ba ganun ang ngipin ni Budoy? Parang nagmumura din.

Hindi rin mawawala ang mga nagmamahalang mga bilihin. Dati alam ko tao lang ang nagmamahalaan ngayon pati sili napakamahal na! So Hot!!! Ayon saking panayam kay Ate na taga-chop ng inihaw sa kainan na kung tawagin ay "impyerno" (dapat taga Baliuag ka, or particulary sa BU ka nagaaral para makarelate ka) 800 pesos ang isang kilo ng sili. Mantakin mo yun! Mahal pa sa kilo ng baboy na iniihaw nila! Kaya sabi ko minsan try naman nila iihaw yung sili para mabawi ang puhunan.

Sa bandang highway naman, sa Pulilan, hindi ko alam kung tama ba nabasa ko oh namalikmata lang ako. Nabasa ko kasi sa isang karenderia na ang nakalagay "Kainan sa Kambingan" Makakakain ka ba dun ng buong pagkatao mo? Dun mismo sa kambingan ka kakain? Diba ang baho nun? O baka ang gusto nila sabihin eh kambing ang isineserve nila dun? Yun diba? Buti hindi nakita at nabasa ng may ari ng Mang Inasal yun, kasi baka maisip niya imbis Mang Inasal  ang pangalan eh maging "Kainan sa Manukan."  

Pero kahit ganyan ang mga isyu na yan, nakakatulong din naman satin yan para makulay ang buhay sabi nga. Kasi kung walang issue, walang paguusapan diba? At minsan sa mga issues na yan, dyan nasusubok kung pano ka mag-isip at pano ka magdesisyon sa iyong sarili kung sino ang paniniwalaan mo at kung paano ka kikilos sa sitwasyong ginagalawan mo sa kasalukuyan. Kaya salamat na rin. Ngayon ang issue ko hindi ko alam kung pano ko tatapusin ang blog na ito. Ni hindi ko alam kung saan papunta yung diwa nito. Pero palagay ko after ng sentence na to mapuputol na...

1 comment: