Viewers

Friday, November 18, 2011

Kumpleto ang Pagiging Bata Mo Kung... ( Isang Silip sa Mundo ng Isang Bata)


Eto ay hango sa sariling karanasan at batay sa panayam ko sa aking mga kalaro... Kumpleto ang pagiging bata mo kung...

1. napagod ka o gusto mong pumunta sa base ng kalaban mo sa moro moro, mag sasabi ka ng "taympers" at uulit ulitin mo pa ng mga tatlong ulit "tympers tympers tympers"

2. kapag nag laro ka at alam mong kantahin ang "Langit lupa impyerno. im...im...impyerno. Saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay, umalis ka na diyan" (oi kinanta pa with tune)

3. kapag nakapag laro ka ng luto lutuan na ang sangkap sa pagluluto ay dahon at bulaklak ng santan o gumamela.

4.sympre kumpleto rin kapag na experience mo na paluin ka ng nanay mo. Ako na experience ko. Nung nursery ako sa sobrang kalikutan ko ayun nawala ako sa Manila Zoo. Eh fieldtrip nun, isang oras hindi makaalis yung bus namin dahil skin, kaya yun. Para maiba naman pinalo ako ng mommy ko. (Style lang yun ng mommy ko kasi galit na yung mga magulang ng mga kaklase ko tsaka nahihiya na siya kasi isang oras ng delayed edi pinalo ako para siya ang mas galit sa lahat kaya tahimik na lahat pagakyat namin sa bus. Sus! plano na namin yun)

5. alam mo kung saan tinatago o nilalagay ng nanay mo ang pamalo niya sa inyong magkakapatid sa loob ng bahay. At siguradong pag hinawakan nya na yun eh parang siya si Zeus sa loob ng bahay. At hindi magtatagal may iiyak.

6. inakyat mo na lahat ng uri ng puno sa paligid nyo. Pwedeng puno ng mangga, chico, aratiris, at ang pinaka sikat na puno sa lahat ay ang puno ng bayabas. Kasi bago ka bumaba siguradong dun ka sa taas ng puno kakain ng isang bayabas at pagbaba mo nasa damit mo lahat yung mga nakuha mong bunga. 

7. kapag 10:30 ng umaga at nakatutok ka sa channel 2 dahil inaabangan mo ang mga sumusunod: Princess Sarah, Cedie Ang Munting Prinsipe, Nelo, Peter Pan, Kambal ng Tadhana, Si Maria at ang Pamilya Vontrap, Heidie, at ang B1B2. Marami pang iba hindi ko lang matandaan yung iba.

8. kapag nakakita ka ng bahay ng anay at maduduro mo at sasabihin ng kalaro mo "kagatin mo yang daliri mo baka manuno ka" kakagatin mo ang daliri mo sabay dura ng laway sa lupa at ang malupit pa dun tatapakan mo pa yung laway mo...Wow may procedure ha!

9. Kapag inuutusan ka bumili magdadabog ka kunyari pero susunod ka din dahil wala namang ibang uutusan kundi ikaw, pero may "kick back" kang piso o dos at ipambibili mo ng ice candy o pompoms, tommy, o kaya hotdog chess curls.

10. kapag pinipilit kang patulugin ng tanghali na mapipilitan ka lang kasi may reward ka pag gising. Kaya ang gagawin ko nun magtutulugtulugan ako ng mga 2 hanggang 3 oras. Hirap yun ha. Para lang sa isang halo halo o kaya yakult o kaya naman maswerte na lang pag may dumaang kinulti.

11. kapag may kotseng kuba eh magbabatukan kayo at mag sasabi ng "peace" hindi ko alam kung ano kaugnayan nung peace sa kotseng kuba. Lalong hindi ko maintindihan pag binatukan eh tutuktukin yung baba pataas.

12. kapag may nakita kang nagkikiss na artista sa tv eh nahihiya kang tingnan o kaya titingnan mo nga pagtatawanan mo naman. Parang nagpapatawa yung nagkikiss. Nakakatawa ba yung kiss? try mo nga. Diba mas nakakatawa...nakakatuwa yung susunod na step after ng kiss... CENSORED... 

Marami pang experiences ng pagiging bata ang hindi nakalagay sa blog na ito. kung sakaling may maisip ka, you can just leave a comment. Its nice to look back. Minsan pag titingnan mo yung nakaraan nakakatawa na lang at ang pagtawa mo na yun ang magbibigay ng lakas sayo upang harapin ang kinabukasan. 

Ikaw? Ano nagpakumpleto sa pagiging bata mo?


3 comments:

  1. Sir panalo talaga blog mo hehe. Keep up!

    ReplyDelete
  2. hahaha may isa akong karanasan na alam kong lahat ng bata o naging bata ay nakapaglaro nun..hahahahaha

    ReplyDelete
  3. galing,ganda wala ako masabe sir.

    ReplyDelete