Viewers

Sunday, February 13, 2011

Faces of Love


I, Titan, have been existing for 27 years in this planet we so called “earth”. Sa 27 years na yan, as a Guidance Counselor narinig at nakita ko yung mga pagbabago at yung mga iba’t ibang pangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga students na nakakausap ko during counseling. Sa blog na to, gusto ko ishare what are the different faces of LOVE. 


Sa experience ko, habang nakikinig sa mga students sa kanilang "love life" naisip ko ang pagmamahal ang daming mukha. at sa mga mukha na yun maraming paradoxical na nangyayari. Merong mga tao na iibig sa mga taong hindi sila iniibig, o iniibig ng hindi sila natututo. Iibig sa wala, o hindi na talaga totally iibig.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng girl ang guy. Mabubuhay yung guy sa walang hanggang paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang girl dahil ang totoo, ang hindi niya mahanap ay ang sarili niya.

Sa counseling session, may magsasabi na away sila ng away kapag magkasama pero hindi naman makaya ang magkahiwalay. Merong magmamahal lamang kapag nakasakit. Merong relihiyon ang humarang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.

Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Yung tipong nakakagigil na. gusto kong iuntog at sabihing "ang tanga mo!". Merong pagumibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira.touch dito, touch doon. touch sa taas, touch sa baba.

Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig, at meron namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag-umibig ay naharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Meron ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Ang iba’y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba’y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasahan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman na ang puso nila ay gawa sa kahoy.

Pero merong isang tao na harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol at ng teknolohiya, against all odds nga wika nila, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging masaya...

Hindi ko sinasabing tama lahat ng nakasulat dito. It's only my experiences during counseling. But please... bago tayo pumasok sa love... mahalin muna natin yung sarili natin..kasi hindi natin alam... there are so many faces of love.



2 comments:

  1. naman,, galing nman,, gusto q sense of touch nlng ang ntira,, tipong touch d2 at touch doon,, hahaha galing nmn,,,

    ReplyDelete